Sa alaala na naman
Ako magpapahinga
Magpapabukas

Sa alapaap na naman
Ibabahagi ang naramdamang
Hindi ko masabi sa ibang unan

Nakatutok sa 'ting bukas
Na ako na lang mag-isa
Layo ko pa
Naliligaw na
Sa aking isip at sa hinaharap

Oh unos
Na naman
Oh ubos
Na naman

'Di mahawakan
Nga naman
Sumpa man o sadyang pinagpala
Kusa akong magpapabiktima

Oh unos
Na naman
Oh ubos
Na naman

Salamangka
Engkantada
Sa'n ba talaga nagmula
Ba't nakaukit sa akin
Ang sigaw ng damdamin

Salamangka
Engkantada
Oh sa'n ka ba talaga nagmula
Nakaukit sa akin
Ang sigaw ng damdamin