Ikaw nalang palagi ang isip isip
Sa tuwing kausap ka nakangiti
Ngunit hindi ka nga pala para sakin
O, kay sakit naman nitong banggitin

At sa oras ng 'yong hinagpis
Ako'y nandito para ikaw at patahanin

Bakit ba ganto, ako ang nasa tabi mo
Pero siya ang na sa isip at tibok ng puso mo
Okay lang ako maghihintay parin sayo
Nagbabakasakaling meron pang puwang dyan sa puso mo

Heto ka nanaman lumapit sa'kin
At sasabihin kung anong masakit
Ako ba'y naaalala mo pa rin?
Pati ang puso kong durog sa sakit

At sa oras ng 'yong hinagpis
Ako'y nandito pa rin
Handa kang patahanin

Bakit ba ganto, ako ang nasa tabi mo
Pero siya ang na sa isip at tibok ng puso mo
Okay lang ako maghihintay parin sayo
Nagbabakasakaling meron pang puwang dyan sa puso mo

Lumipas ang panahon
At magsasama na kayo
Ang huling bilin ko lang
Sakanya

Mahalin kang totoo, samahan sa pangarap mo
At ibigay lahat ng meron siya na wala sa piling ko
At para sayo, tatanggapin lahat
O, giliw ko