'Di ko maintindihan Aking nararamdaman Hinihintay nalang Mga oras ay lumipas 'Di alam ang gagawin Para bang may kulang sakin Ano nga ba ito? Ako ay nalilito Tila lumulutang Sa dagat na walang hanggang Patungo sa kung saan ako'y masasaktan O para bang isang paraisong Ako lamang ang nandito Kasama ang aking kalungkutan 'Di nila alam 'Di naman kasi nila alam Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala 'Di nila alam 'Di nila maiintindihan Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa At labis na nasasaktan Sugatang damdamin Ang dala gabi gabi Hayaan mo nalang, panahon ay lumilipas Pilitin mong ipikit ang matang kumakapit Sa mga luha Baka sakaling ito ang lunas Limutin na ang kahapon at pagbigyan Ang kamay ng oras Makakamit mo rin ang wakas Dito sa paraisong ako lamang Ang 'yong gabay kasama ng aking kalungkutan 'Di nila alam 'Di naman kasi nila alam Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala 'Di nila alam 'Di nila maiintindihan Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa At labis na nasasaktan 'Di nila alam 'Di naman kasi nila alam Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala 'Di nila alam 'Di nila maiintindihan Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa At labis na nasasaktan Hmmm Ohhh Hmm... 'Di nila alam Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa At labis na nasasaktan