Kapit, humawak ka sa'kin

Gusto kita
Ilayo ka man sakin ng tadhana
Di man mawari kung san ang pupuntahan
Paikutin mo ako ng dahan dahan

Ano bang meron sating dalawa
Tila parang merong kakaiba
Ako'y sayo at ikaw ay akin ba?
Parang walang kasiguraduhan
Pero ikaw ang tanging dahilan
Sa tanong na hindi masagot ng mga puso
Kapit, humawak ka sa'kin
At pupuntahan natin bawat panaginip
Ako at ikaw kahit naliligaw
Malabo man ang ugnayan

Di na makatulog kakaisip
Sa liwanag ng iyong mga ngiting
Di maalis-alis sakin gabi gabi
Lagi kang nasa panaginip
Kapag ganyan parang ayoko nang gumising
Kung di rin lamang ikaw ang sasalabong sa umaga
Para mababaliw, ako ba'y nagiisa?

Laging walang kasiguraduhan
Basta ikaw ang tanging dahilan
Sa tanong na hindi masagot ng mga puso
(Nasa pagitan ng oo, hindi, baka)
Ano bang meron sating dalawa
Tila parang merong kakaiba
(Ikaw lamang na-iiba)
Ako'y sayo at ikaw ay akin ba?

Kapit, humawak ka sa'kin
At pupuntahan natin bawat panaginip
Ako at ikaw kahit naliligaw
(Ako at ikaw, kahit naliligaw)
Malabo man ang ugnayan
(Pwede mo bang mapagbigyan)

Kapit, humawak sa'kin
Hanggang kailan aawit sa mga panaginip
Ako at ikaw wag ka ng bumitaw
Malabo man ang ugnayan

Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...
Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...

Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...
Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...

Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...
Malabo man ang ugnayan
Ikaw pa rin patutunguhan...