Aatras at babalik
Minsan ako'y napapaisip
Puso niya ay naliligaw
At ang hanap ay hindi ikaw

Napapaisip
Ilan pang panaginip
Ang kailangan sisisirin
'Di na natuto
Sayo pa rin patungo
Kailan mo ba sasaluhin?

Nalibot na ang kalawakan
Di ka pa rin sa akin
Paikot-ikot sa kawalan
Pinipilit kang hanapin
Tumatakbo ang oras
Lahat ay lumilipas

Hindi mo ba napapansin
Tadhana na ang nagsasabi
Pabulong-pabulong sa hangin
Heto ka nanaman paaasahin
Hahanapin mo ako
Kapag nandito na bigla kang lalayo

Napapaisip
Sa bawat panaginip
Ako ba'ng sumasagi?
'Di na natuto
Sayo pa rin patungo
Kailan mo ba sasaluhin?

Nalibot na ang kalawakan
Di ka pa rin sa akin
Paikot ikot sa kawalan
Pinipilit kang hanapin
Tumatakbo ang oras
Lahat ay lumilipas
Nalibot na bawat daan
Baka nga ikaw ang para sa'kin
Paikot-ikot sa kawalan
Naliligaw na damdamin
Tumatakbo ang oras
Lahat ay lumilipas

(Tumatakbo ang oras
Lahat at lumilipas)
(Tumatakbo ang oras
Lahat at lumilipas)

Nalibot na ang kalawakan
Nalibot na bawat daanan
Nasan ka na o' aking bukas
Kailan kaya kita matatagpuan?
Nalibot na ang kalawakan
Nalibot na bawat daanan
Kailan kaya kita matatagpuan?
'Wag nang isaoras

Nalibot na ang kalawakan
Di ka pa rin sa akin
Paikot-ikot sa kawalan
Pinipilit kang hanapin
Tumatakbo ang oras
Lahat ay lumilipas
Nalibot na bawat daan
Baka nga ikaw ang para sa'kin
Paikot-ikot sa kawalan
Naliligaw na damdamin
Tumatakbo ang oras
Lahat ay lumilipas