Pagpikit ng mga mata
Maaalala ang salita
"Hindi ka na magiisa"

Oras ay tumatakbo
Kasabay nito ang paglisan mo
May nagawa ba ako
Na di mo gusto?

Pasensya na
Hanggang dito nalang
Ginawa naman ang lahat
Pero di naging sapat

Kahit saan man mapunta
Hirap ay laging dala
"Kaya ko na bang mag-isa?"

Kala ko paglalaban mo
Bakit ba naniwala sayo
Bat hinayaan mong
Mawala tayo

Pasensya na
Hanggang dito nalang
Ginawa naman ang lahat
Pero hindi naging sapat

Hayaan mo na
Bumitaw na tayong dalawa
Pakinggan ang tadhana
Di para sa isa't isa

Ano pa bang magagawa
Kung tayo ay susuko na
Tanggapin nalang
Isa isa

Pasenysa
Wag ka ng magalala

Pagpikit ng mga mata
Handa na kong limutin ka
"Malaya ka na"