Nagtataka kung bakit ba nilalapit ng tadhana
Ano bang meron sa'ting dalawa?

Pilit na kumakawala, ngunit sayo parin papunta
Ang ihip ng hangin ay nakakadala

Sabihin ang nararamdaman
Lumilipas ang oras o' sinta
Panghahawakan ba o bibitawan nalang?

Dahil ikaw lang ang na sa isip, puso at damdamin
'Di makawala sa iyong kapit kahit 'di ka sakin
Bawal ba'ng ipilit? Ano ba ang meron sa'tin?
Naglalaro lang ba o may pag-asang mapasakin?

Sa simula palang kakaiba
Mga titig nating dalawa
Pinagtatagpo kahit san man mapunta

Ako lang ba o talagang
May pagasa tayong dalawa?
Kasi nalilito pag isip ka
Bibitaw o aasa?

Sabihin ang nararamdaman
Lumilipas ang oras o' sinta
Panghahawakan ba o bibitawan nalang?

Dahil ikaw lang ang na sa isip, puso at damdamin
'Di makawala sa iyong kapit kahit 'di ka sakin
Bawal ba'ng ipilit? Ano ba ang meron sa'tin?
Naglalaro lang ba o may pag-asang mapasakin?

Bibitaw o aasa?
Bibitaw o aasa?
Bibitaw o aasang mapasakin ka?

Bibitaw o aasa?
Bibitaw o aasa?
Bibitaw na lamang ba? hahayaan na