Lumipas na ang mga gabing nag-iisa
Hindi ko namalayan, nandyan ka lang pala
Lumiliwanag ang paligid sayong mata
Bat di ko namalayan, ikaw na pala

Ikaw sa bawat luha
Pagtahan at pahinga
Lumamig man aking mundo
Ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon
Mananatiling sayo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi sa bawat taon

Ligaya ang hanap, ngunit bulag ang paningin
Tuloy nangungulila, hindi ka napansin
Nandyan ka pala nagniningning
Ang yakap mo ang nagsilbing
Liwanag ko sa dilim

Ikaw sa bawat luha
Pagtahan at pahinga
Lumamig man aking mundo
Ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon
Mananatiling sayo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi sa bawat taon

(Mula noon hanggang ngayon)
Sa bawat taon
(Mula noon hanggang ngayon)
(Ikaw, ikaw, ikaw)

Kahit pa hindi na tulad ng dati
Sasamahan ka pa ring sa pagawit
At kung ang mundo'y galit

Hindi ka mag-iisa
Sabay tayong luluha
Lumamig man ating mundo
Ikaw ang yakap ko
Magbago man panahon
Mananatiling sayo
Ikaw pa rin at ako
Ikaw palagi
Tayo palagi
Sa bawat taon