Kapag nakita ka, ako'y nahihiya
Kapag kausap ka, ako'y namumula
Sabi ng puso ko, ako'y in love sa'yo
Sana ay mahalin mo rin ako

Kapag kasama ka, wala nang pangamba
Nais kong sabihing minamahal kita
'Di sinasadya biglang nasabi mo
Sana ay mahalin mo rin ako

Kay sarap pala ng ibigin mo
Para bang ulap ang nilalakaran ko
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako

Oh, bakit ba tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito
Sana'y wala nang wakas
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako, ooh-woah

Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Oh, bakit ba tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito
Sana'y wala nang wakas
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako, ooh-woah

Mahalin mo pa rin ako hanggang wakas
Mahalin mo pa rin ako, kay dami man hahadlang
Mahalin mo pa rin ako, 'wag na sanang magwakas