Kung sa pag-ibig lamang nabubuhay ang tao
Wala na sanang galit sa ating puso
Kung sa pag-ibig lamang nabubuhay ang tao
Wala na sanang inggit sa ating puso

Kapag umibig nang wagas sa Diyos at 'yong kapwa
Para bang ika'y nasa langit na
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang
'Yan ang pag-ibig na nanggagaling sa puso

Kung sa pag-ibig lamang nabubuhay ang tao
Kalikasan natin sana'y malinis pa
Kung sa pag-ibig lamang nabubuhay ang tao
Mga gubat at dagat sana'y malinis pa

Kapag umibig nang wagas sa Diyos at 'yong kapwa
Para bang ika'y nasa langit na
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang
'Yan ang pag-ibig na nanggagaling sa puso, sige