Kay raming tao sa mundong ito
Naghahanap ng kapalaran dito
Isang mayaman at isang mahirap lang
Nagsisikap silang umasenso

At kung ikaw ay isang mayaman na
Wag ka sanang masilaw sa iyong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting tiis kaibigan

Ang problema ng isang mayaman
San nya dadalhin ang kanyang yaman
Ang problema naman ng isang mahirap lang
San sya kukuha ng kakainin araw araw

At kung ikaw ay isang mayaman na
Wag mong gamitin sa masama ang iyong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting t'yaga kaibigan

At kung ikaw ay isang mayaman na
Isipin di lahat nabibili ng 'yong pera
At kung ikaw naman ay isang mahirap lang
Konting sipag kaibigan, oh

Isang mayaman isang mahirap
Pantay pantay sa mata ng Diyos
Pare parehong sa lupa ang 'yong tungo, oh
At di mo madadala sa langit
Ang iyong kayamanan
Basta't magsipag ka lang kaibigan...