Maraming salamat sa inyo
Sa pakikinig sa aming awitin
Kayo ang inspirasyon namin
Sa pagsulat ng mga awit
Sana'y malaman niyong mahal namin kayo

Maraming salamat sa inyo
Sa walang sawa ninyong pagtangkilik
Kayo ang dahilan kung bakit
Kami ay nagpapatuloy pa
Kung wala kayo, wala rin kami

Hayaan niyong ihandog namin itong awit
Para sa mga tagahanga namin
Salamat sa pagmamahal at kailanma'y hindi niyo iniwan
Kayo ang tunay naming idolo
Salamat sa inyo

Lumipas ang maraming taon
Nakikinig pa rin sa aming awitin
Salamat at hanggang ngayon ay
'Di pa rin nakakalimutan
Ang mga awith naming alay sa inyo

Hayaan niyong ihandog namin itong awit
Para sa mga tagahanga namin
Salamat sa pagmamahal at kailanma'y hindi niyo iniwan
Nawala kami, nand'yan pa rin kayo

Hayaan niyong ihandog namin itong awit
Para sa mga tagahanga namin
Hindi naming kakalimutan, ibinigay niyong pagmamahal
Kayo ang tunay naming idolo
Salamat sa inyo
Salamat sa inyo