Akala mo ay tunay, 'yun pala'y may pakay lang sa'yo...
Lalapit 'pag mayrong kailangan, 'pag wala'y dadaanan ka lang
Ano kaya 'yon?

Malalaman mo kung
Sino ang totoo kung
Ika'y aalalayan 'pag ikaw ay sugatan
Kahit walang-wala ka
Sila'y nakasuporta
Nagdadalahan paangat
Di naghihilahan ng pabagsak

'Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa'yoy tapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na Lamang
Mahalin silang sa 'yo'y di nang-iiwan
Silang hindi nang-iwan, wag mong pabayaan
Konti lang yan
Hmmm...

Akala mo'y seryoso, 'yun pala'y meron lang motibo
Pinapaikot lang ang ulo mo...
'Di bale nang ikaw ang masaktan
Wag na wag na lang papatulan...
'Di ka nag-iisa, siguradong meron sa'yong sasalba

Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa'yoy tapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na Lamang
Mahalin silang sa 'yo'y di nang-iwan
Silang hindi nang-iwan, wag mong pabayaan
Konti lang yan
Hmmm...

'Di mo kailangang magpaka-tama sa lahat
'Di man perpekto ngunit biyaya Niya'y sapat
Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lang
Basta't ang puso mo'y payapa lang
Hayaan mo na lang
Basta't ang puso mo'y payapa lang