Tulalang nakangiti sa kawalan Oras 'di hamak na 'di namalayan Habang dama ang haplos ng hangin Kasabay ang pagbulong ng dalangin Manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo Oh mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din Ang pipiliin Ilang bukas man ang dumaan Kulimlim man ay mapalitan ng ulan Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang ang uuwian Hiwaga mo man ay mawala Ako ay mananatili at Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang Kahit panandalian Nakakakilig isiping Sabik akong matunaw sa 'yong tingin Labi mo ang salarin Puwede ba na angkinin? At ngayong kapiling ka Kahit walang kasiguraduhan Kalabanin man ang kamay ng orasan Ayos lang, basta't nandirito ka (Nandirito ka, nandirito ka) Pero miski kamay mo'y suntok sa buwan kung mahawakan Awiting alay sa 'yo ba ay tutuldukan? Ilang bukas man ang dumaan Kulimlim man ay mapalitan ng ulan Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang ang uuwian Hiwaga mo man ay mawala Ako ay mananatili at Ikaw at ikaw lang Ikaw at ikaw lang Kahit panandalian Kulimlim man ay mapalitan ng ulan Ikaw at ikaw lang At kahit manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo Oh mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din, oh Ang pipiliin At ngayong kapiling ka Kahit walang kasiguraduhan Kalabanin man ang kamay ng orasan Ayos lang, basta makapiling ka Kahit panandalian