Santa regaluhan mo naman ako
Ng babaeng maganda
At kung magkaka-chix ako
Gusto ko sana swabe na (sana swabe na)
Tignan mo 'ko wala ulit akong kasama dito
Unti-unti na 'kong natatawag na tito (tito)
Nung isang taon
'Di ba sinabi ko naman na pwede na (pwede na)

Dami-daming dumaan na Pasko
Dati sa 'kin puro sablay
Pakibilis naman na sana
'Di ko na maantay (Woah)
Dami ko nang kinilala
Puro na lang nakilala
Puro mali na lang
Puro hiling na lang
Kada taon umaasa

Santa yung sexy na chick
Yung masarap na humalik
Yung yakap nang yakap sa akin
Mainit man sa labas o malamig
Baka pwede na
Pagbigyan mo na
Sana pwede na
Lalo na't

Ayoko mag-Paskong lonely, Paskong lonely
Paskong lonely, Paskong lonely
Santa baka pwede naman
Bigyan mo na kaya ng isa
Ayoko mag-Paskong lonely, Paskong lonely
Paskong lonely, Paskong lonely
Sana Santa mapili mo na
Para muli akong sumaya

Santa nadadama mo ba ang aking mga gabi
Makaramdam ka naman sana sa 'king mga hiling
Ilang Paskong dumaan wala pa rin kayakap
Wala pa rin akong mapakilala kila Mama
Mag-isa ko na naman
Wala na ba talagang iba dyan
Na pwede na
Akong masamahan
Sana'y 'yong malaman
'Di ko kailangan ng panandalian
Gusto ko matagalan

Santa ano, darating pa ba ngayon
Baka abutin na naman ulit 'to ng ilang taon
Nag-aabang-abang na 'ko
Sa'n mo ba tinago
Nang makuha ko naman
Pwede ba na Santa ako na pumili
Ayoko mag-Paskong mag-isa
Oh matagal ko na sa 'yo 'tong pinipilit
Pagbigyan mo na sige na, sige na, sige na

Ayoko mag-Paskong lonely, Paskong lonely
Paskong lonely, Paskong lonely
Santa baka pwede naman
Bigyan mo na kaya ng isa
Ayoko mag-Paskong lonely, Paskong lonely
Paskong lonely, Paskong lonely
Sana Santa mapili mo na
Para muli akong sumaya