Alam kong 'di mo pa alam
Na matagal ko nang nararamdaman sa 'yo
'Di ko lang pinapansin
Kung nangingialam lang ang utak ko
Sa puso ko ay baka dati pa sanang umalis

Hindi ako manhid
Pinapaliwanag ko lang sa 'yo
Iba na 'ko mag-isip
Dahil natauhan na sa 'yo

Natapon na alak
Naipon na amat
Nasira lang lahat
Dahil hindi ka inawat
Pinikit ang mata
'Di na nagsalita
Kunwari na wala 'kong alam
Sa mga gimik mo
Kung sa'n ka nagpunta
Sarado tenga ko
Ginagawa na lang sa kanta ko

Ikaw yung tema ko
Nung sumama 'ko sa 'yo
Gumaling akong magpanggap
Minahal mo ba 'ko
'Di ko alam 'yun ang masaklap

Tanong mo sa 'kin
Sino sa 'tin ang napuntusan
Lamang mo lang naman sa 'kin
Dumi sa katawan
Pareho tayong nakinabang
'Wag kang maguluhan
Mapakama man o pera
Parehong nawalan

Alam kong 'di mo pa alam
Na matagal ko nang nararamdaman sa 'yo
'Di ko lang pinapansin
Kung nangingialam lang ang utak ko
Sa puso ko ay baka dati pa sanang umalis

'Di na 'ko takot mawala ka
Napagod na 'ko na umasa
'Di ka din naman makabasa
Wala na bang maalala
Kung nakaalam ka lang sana
Eh 'di tayo pa yung magkasama

Sa dami ng time
How many times
Pagod na 'ko na ibigin ka
Patay na yung isip ko na isipin ka
Anong tingin mo sa 'kin huh
Alipin ba

Inalam ko yung mga balak mo
Mga dapat pagdusahan mo
Umawat ako sa ugali mo
Ako na 'tong inalalay mo
Naisip ko lasa ng labi mo
Kung sa'n ka nanggaling
Papunta sa akin

Alam kong 'di mo pa alam
Na matagal ko nang nararamdaman sa 'yo
'Di ko lang pinapansin
Kung nangingialam lang ang utak ko
Sa puso ko ay baka dati pa sanang umalis
Hindi ako manhid
Pinapaliwanag ko lang sa 'yo
Iba na 'ko mag-isip
Dahil natauhan na sa 'yo