Ipikit ang 'yong mata at iwasan nang mag-alala (Iwasan mag-alala)
Ang gulo sa'yong isipan dahan-dahan nang ibubura (Dahan-dahan)
'Di alintana ang mga talak sa ating paligid
'Di na dapat mangamba 'pagkat 'sing-himbing lang ng langit
Ang aking oyayi na walang hanggang maririnig

Ito'y kalmado, elebado
Ngayon ako ang sasalo

Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay

Laging sinisilip ang mga tinging mong humihirit pa
Lama'y sulyap, aking mga mata
Sana'y maaalala ang hugis ng aking mukha
'Di kita masisi kung ang hiling mo lang ay aking yakap
Kasi alam ko nang 'di mo alam kung kailan pwedeng magpaalam
Hahanap-hanapin kita, mahal
Kahit hindi na babalik (Oh, woah, oh-oh)
'Wag ka nang mangamba

Ito'y kalmado, elebado
Ngayon ako ang sasalo

Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay

'Di mo na mararamdaman ang pait
Kung pa'no kita alagaan sa panahong 'di makatayo
At Siya lang ang tanging tugon sa buhay ko
Kung mangyari man ay ayos na, luha ko'y naubos at
'Di pa rin tanggap ngunit wala na akong magagawa
'Di ko kakayaning lumisan ka sa'kin, ito ang hiling habilin

Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay kalimutan ako