Allison

Salamat musika
Salamat, salamat
Salamat musika
Salamat, salamat
Salamat musika, yeah
Maraming salamat musika

Yeah, ano bang dahilan at kinabaliwan?
Binigyan mo ng buhay nung ika'y matagpuan
Puno ng negatibo sa'king isip, 'di pulido
Pero nalulong sa'yo ako'y bilang nag positibo
Natanaw na ang destinasyon ko sa daan
Puno ng aral sa mga karanasan
Tinig ng Aba at kahit sino pang estranghero man
Ang magtangkang kunin ang aking pangarap ay 'di makakahadlang

'Di na bago sa'kin ang tagpo na ganito
Bibigyan ng boses ang buod na binuo
Magdamag magpupuyat at sumusulat ng
Talata't talaarawang lahat ay tungkol lang sa'yo
Saliwa aking daan walang makasabay
Tinta ng aking pluma kayo ang nagbigay
'Pagkat patungo sa mga tao na naghihintay
Patnubayan sana ng Poon sa'king paglalakbay

'Di ko na maipinta ang aking nadarama
'Pag kasama ka, oh, ano ba ang dahilan, ba't ka kinabaliwan?
'Di ko na maipinta ang aking nadarama
'Pag kasama ka, oh, ano ba ang dahilan, ba't ka kinabaliwan?

Inalayan ng oras
Pagod, puyat, ako'y binaliw
'Di mo iniwan
Dumating sa puntong biglang naaliw
Tinamad nung nagka-papel
Gustong manood na lang, hirap balansihin
Naligaw nung nagmadali
Buti na lang nandyan ka para sagipin
Sinipagan may natutunan
May bago, hinangaan
Tinutukan, pinag-aralan
'Di na umayaw, namuhunan
Blangko kong buhay
Pinuno ng patlang na may kahulugan
Nagpa-apoy may kabuluhan
Kung bumuga, kapayapaan
Mensahe sa musika
Respeto sa puno kami na ang bunga
Sinaulo bawat gunita
Pinili ang puso hindi na nanghula
Gustong umabante
Kung merong sumingit hindi importante
Diretso ang byahe
Sa daming upuan hindi na umarte
Gumuho na ng taon
Daming nasayang iba na ang panahon
Galaw ko na muna
Mahal kita kaya ikaw inuuna
Taon ko na muna
Mahal kita kaya ikaw inuuna
May disiplina
Kaya negatibo hindi ako mahila

'Di ko na maipinta ang aking nadarama
'Pag kasama ka, oh, ano ba ang dahilan, ba't ka kinabaliwan?
'Di ko na maipinta ang aking nadarama
'Pag kasama ka, oh, ano ba ang dahilan, ba't ka kinabaliwan?

Ivy, praning na kung praning, ha
Pero kanina pa yung kotse na yun, eh
Natural, andiyan na yang Civic na yan
Kapitbahay ko yan, eh
Malamang matagal na yan diyan
What the fuck is this about?
The fuck are you on?
Nasisiraan ka na ata ng bait
Ivy, I know what I saw
Itatanggi mo pa, eh, nakita ko na
Huh, anong nakita mo?
Na may ayaw kang ipaalam
'Di ka nagsasabi ng totoo
Na 'di mo na ko mahal