Ikaw ang nagsilbi kong mapa Hawak mo ang manibela Kahit san ibaling ang mahalaga ika'y kasama Di na mahintay, gusto ko na lumakbay Para marating ka at tayong dalawa ay mag-ugnay Takbo ng oras, di na mahabol-habol Wag naman sana (Wag naman sana o wag naman sana o) Binabalangkas bawat bahay Pero tahanan sayo lang nakita (sayo nakita, sayo nakita) Sa daan sinasadya ko lang na magbagal Para lamang makasama ka ng matagal Tiniis mula Lipa hanggang sa Bataan Kahit pa malayo, gagawan ng paraan, diba? Sana ganito tayo palagi Kung pwede lang at maaari Ako ay mananatili Palagi (palagi) (Mananatili sayo) Mula sa kanan dadalhin kita 'Gang sa taas ng kalangitan Tiyak na tiyak kahit na trapik di ka susungitan Kahit tayo'y maligaw hindi ka iiwanan Promise, todo peksman Sa daan sinasadya ko lang na magbagal Para lamang makasama ka ng matagal Tiniis ang presyo ng gas kahit na mahal Dahil ganito naman kapag nagmamahal, diba? O diba, diba? (Ikaw pa rin, o ikaw pa rin) Sa pangalawang buhay ikaw pa rin ang aking pipiliin Kahit mag-iba ang iyong kasuotan di ko babaguhin Mali man ang ruta natin ito'y aking susuungin Kahit pa madilim Kukutitap Ng makita ng lahat Na ang tulad mo pag nagningas ay liliwanag Biglang lumalawak Ating daraanan Ikaw lang ang pupuntahan Ikaw aking walang hanggan