Ano bang sinasabi mo?
Anong 'di na mahal?
Sa'n nanggaling yan?
I don't know what you're talking about Ali
It's all in your head

Allison

Nakita kita sa bandang Intra, Manila
Sa kadiliman ay kumikinang ka sa kalsada
Ako'y napukaw sa ilaw ng ika'y makita
Sa daming tao, so into you, malatamiya
Mala Tamiya, kilos mabilis kahit pa pawis
Init sa Pinas, nada, 'cause I'm fine and fresh
Tila nanghina sa'yong titig na sobrang tamis
Yow, what's your name, girlfriend? Baby, I'm impressed
Bigla niyang binulong na parang heleng sanggol
Ivy ang pangalan ko, would you like to call?
Took you on a date, got your IG on my phone, sabi niya
It's getting late, would you like to drive me home?

Lumipas mga araw at we call it in
Bumababa sa inyong city, as we did the sin
Parang nangumpisal sa'kin si Mary Magdalene
Makamandag na lason na 'di ko kayang langgasin, ah

'Di ko na maipinta ang aking nadarama
Nung makilala ka, o ano ba ang dahilan?

Sinundo ka sa bahay, merong Civic sa harap
Bigla 'tong humarurot when I checked who's on the block
Hinabol ko and you said
What the fuck was that about?
Sorry, I'm not one of the Honda boys up on the South
Gusto lang namang malaman kung bisita, kaibigan
Kapitbahay daw, pero ba't 'di kita paniwalaan
Then you proceed to change the topic it's about my car
Na Wigo lang kaya will never be gone as far

The hell, Ivy what you sayin'?
A Toyota's a Toyota, run it back, still the same and
Binabaliktad mo ako na parang merong lihim
Nagalit, nagdabog and then you left, the car door slammin'

Di ko na maipinta ang aking nadarama
Sino nga ba siya, o ano ba ang dahilan?

Nagpunta kang Taguig, hangin' out with all your friends
Tagal kang 'di nakita, feel like losing all my ends
I'mma tag along, can we talk and make amends?
'Di daw pwede kasi
This is just an all girls quest

Ah, ha, biglang napaisip, agad agitated
Sakay na'king, whip, whip, sabi, aba, yip yip
Flashin', I go
Feeling nakatrip trip
Bumaba ng Fort Strip

Nag-ala Moises ng hinawi ang nakaparada
Merong Civic sa harap, agad 'kong nakikilala
Pag kinanti hilahin ko yang auto pa-Tumana
Napalitan ng galit ang aking tamang hinala
Kumakabog ang dibdib na para bang dinamita
Sa club ako'y nagtungo, pinigilan pa ng guwardiya
Table twenty-five, aisle nine ng makumpirma
Nakita kang merong kahalikang iba sa sofa

Hey, baby, good morning
Ahm, sorry I wasn't able to update you last night
Pero the party was super lit, as in
Anyways, andito ko ngayon kina Vixen
We just had a sleepover
'Di ko na kinaya umuwi, eh, 'cause you know
But, but, I'm perfectly safe here
I love you
Uy, okay ka lang?
Ba't 'di ka nagsasalita?