Himpapawid ay makulimlim
Langit pala'y lumuluha rin
Bakit ang hirap mong mahalin?
(Bakit ang hirap mong mahalin)

Saan ka makikita?
Sa ibang planeta ba
Magkaugnay at madarama?

'Di na bale basta makasama ka
Umaga hanggang gabi
Kasalanan ba umuwi sa'yong tabi?
Pansamantala lang matatanaw
Kesa masilaw sayo'y
Magkayakap sa adlaw, yeah

Makasama ka
Umaga hanggang gabi
Kasalanan ba umuwi sa'yong tabi?
Pansamantala lang matatanaw
Kesa masilaw sayo'y
Magkayakap sa adlaw, yeah yeah

Sinusundan ang 'yong liwanag
Katawan ko ay umaangat
Parang kometang nagliliyab
(Parang kometang nagliliyab)

Walang agam-agam
'Di ka malimutan
Pagka't ikaw lang ang dahilan

Di na bale basta

Ikaw lang gusto ko na makasama
Umaga hanggang gabi
(Hanggang gabi)
Araw at buwan man ang pagitan
'Di hadlang ang pag-uwi
(Sa'yong tabi)
Sindihan ang berde at matatanaw
Kalawakang magkayakap sa adlaw
San man makapunta, kahit madagim pa

'Di na bale basta makasama ka
Umaga hanggang gabi
Kasalanan ba umuwi sa'yong tabi?
Pansamantala lang matatanaw
Kesa masilaw sayo'y
Magkayakap sa adlaw, yeah

Makasama ka
Umaga hanggang gabi
Kasalanan ba umuwi sa'yong tabi?
Pansamantala lang matatanaw
Kesa masilaw sayo'y
Magkayakap sa adlaw, yeah yeah

Alisson