Ilang taon din ang lumipas
Di ka nakita
Naalala ko pa nung una
Nagkakahiyaan pa

Gumalaw na ang tadhana
Tuluyan nang pinagtagpo
Sa lugar na di inaasahang
Mahuhulog sa iyo

Dito ka lang
Wag kang mawawala
Hindi mo ba alam?
Ito'y walang hanggan

Dito ka lang
Makakaasa ka
Tayo lang dalawa
Hanggang walang hanggan

Noong tayo'y muling nagkita
At nagka mabutihan
Nagkakwentuhan ng masinsinan
Tila walang tulugan

Dumating na ang umaga
Pareho nang may dala-dalang
Pagtingin sa isa't isa na
Tila ayaw pakawalan

Dito ka lang
Wag kang mawawala
Hindi mo ba alam?
Ito'y walang hanggan

Dito ka lang
Makakaasa ka
Tayo lang dalawa
Hanggang walang hanggan