Naaalala ko pa
Lahat ng masayang
Ala-ala
Nasabi ko ba sayo
Na ikaw ang laman
Ng puso ko

Ngayon na tapos na ang lahat hiling ko'y
Lumigaya, at kahit na ngayon wala ka na
Mananatili dito sa
Puso kong walang ibang hiling kundi
Ang ika'y maging masaya

Hahayaan na
Lumigaya ka
Salamat sa mga aral na 'yong dala
At itatago ko dito sa puso ko ang lahat pero
Kailangan nang palayain ka

Ang dami kong gustong sabihin pa sayo
Kung alam mo lang
Lumaban akong husto para malaman mo
Kung gano kita kamahal

Ngayon na tapos na ang lahat hiling ko'y
Lumigaya, at kahit na ngayon wala ka na
Mananatili dito sa
Puso kong walang ibang hiling kundi
Ang ika'y maging masaya

Hahayaan na
Lumigaya ka
Salamat sa mga aral na 'yong dala
At itatago ko dito sa puso ko ang lahat pero
Kailangan nang palayain ka

Alam kong darating din ang wakas ng lahat ng kalungkutan
Sadyang mananatili ang bakas ng lahat ng mga masayang
Araw natin noon na hanggang ngayon
Kung saan ka man sana'y masaya

Hahayaan na
Lumigaya ka
Salamat sa mga aral na 'yong dala
At itatago ko dito sa puso ko ang lahat pero
Kailangan nang palayain ka