Nakatulala di nag sasalita
Di man halata mga dinadala
Pangako mo sakin biglang nabura
Nag tatanong bakit? Bakit ka nawala?

Binigay ang lahat tila di pa sapat
Mayroon bang nakilala sakin ka magtapat
Kung wala man ay bakit? Bakit ka nawala?
Kung mahal mo'ko bakit? Bakit ka nawala?

Laging iniisip ano ba'ng dahilan, puwede ba'ng balikan ating nakaraan?
Tinatandaan ang bawat salita, pangako mo saakin di mawawala

Hindi man lang sinabing may wakas
Ang pagmamahal mo sakin na wagas
Akala ko hindi ka aatras
Sa pag-ibig natin na walang wakas, pero nasaan ka na

Kamusta ka na? Masaya ka na ba?
Na ako'y mag isa at malaya ka na?
Nagawa mo na ba lahat ng gusto mo
Lumigaya ka ba ngayong wala na ako?

Laging iniisip ano ba'ng dahilan, puwede ba'ng balikan ating nakaraan?
Tinatandaan ang bawat salita, pangako mo saakin di mawawala

Hindi man lang sinabing may wakas
Ang pagmamahal mo sakin na wagas
Akala ko hindi ka aatras
Sa pag-ibig natin na walang wakas, pero nasaan ka na?