Noong unang panahon
Ang tao'y nagkasala at nawalay
Sa biyaya ng Diyos
Subalit gayon na lang
Ang pag-ibig ng Diyos
Sa sanlibutan

Upang ang tao'y maibalik sa Kanya
Ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus
Nagkatawang-tao, isinilang, at namatay
Upang tayo'y maligtas
Sa lahat ng ating kasalanan

Nabuhay Siyang muli
Upang ang sinumang manalig sa Kanya'y
Magkaroon ng buhay na walang hanggan

Ang Pasko ay araw na inaalaala natin
Ang Pasko'y pinakadakilang handog sa sangkatauhan
Nang ibigay ng Diyos
Ang bugtong anak Niyang si Hesus
Na ating Tagapagligtas

Upang ang tao'y maibalik sa Kanya
Ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus
Nagkatawang-tao, isinilang, at namatay
Upang tayo'y maligtas
Sa lahat ng ating kasalanan

Nabuhay Siyang muli
Upang ang sinumang manalig sa Kanya'y
Magkaroon ng buhay na walang hanggan

Ang Pasko ay araw na inaalaala natin
Ang Pasko'y pinakadakilang handog sa sangkatauhan
Nang ibigay ng Diyos
Ang bugtong anak Niyang si Hesus
Na ating Tagapagligtas

Tagapagligtas (Tagapagligtas)
Tagapagligtas (Tagapagligtas)
Tagapagligtas (Tagapagligtas)
Tagapagligtas