Tahimik na daan patungo sa kung saan
Kinakausap mo ang iyong sarili
Walang nakikinig kundi ikaw lamang
Sa sariling daan sa iyong pag-iisa

Asul ang dagat
Asul ang langit

Ang hangin wari'y nagsasabi
Mayro'n pang pag-asa sa 'yong buhay
Ngunit 'di mo alam kung saan matatagpuan
Inaasam-asam sa 'yong pag-iisa

Asul ang dagat
Asul ang langit

Tandang-tanda ko ang lahat
Magmula nang mamulat
'Yon ba ay alam mo na
Bawat yugto ng tadhana

Pag-ibig, siya'y iyong silayan
At isip mo sana'y makapiling
Ngunit walang lakas ang pusong sugatan
Na nagdaramdam sa 'yong pag-iisa

Asul (Asul) ang dagat
Asul (Asul) ang langit
Asul (Asul) ang dagat
Asul (Asul) ang langit