Madilim ang paligid Wala man lang sumisilip Sino ang totoo Ilawan mo naman aking mundo Sumasaglit lang sa langit 'Wag ka munang magalit Hilain mo na ako Hawakan mong mahigpit, saklolo Kunin mo na ang gamot Gawing panghimagas sa balot Ako'y uhaw na uhaw Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis Nasa'n na ang patalim Matalas ba tignan natin Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit Anong meron sa baba Nakatingin, nakatulala Gusto mo bang lumipad kasama ako Madilim ang paligid Sa dagat na sinisisid Iahon mo na ako O kailangan ko lang palang tumayo Hindi na makahinga Nilulunod ang sarili mag-isa Ano bang meron diyan sa ilalim Kunin mo na ang gamot Gawing panghimagas sa balot Ako'y uhaw na uhaw Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis Nasa'n na ang patalim Matalas ba tignan natin Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit Anong meron sa baba Nakatingin, nakatulala Gusto mo bang lumipad kasama ako Gusto ko ring mawala sa mundo Kahit saglit lang, mawala itong nararamdaman Pero nandito pa ako ngayon kumakanta Sinasabing naiintindihan kita Nasa'n na ang salamin Okay ka ba tignan natin Benteng ukit sana'y 'di na ito maulit Anong meron sa baba May hagdanan bumaba ka kaya Gusto mo bang maglakad pag-usapan ito