Isang daang taon Isang daang kahapong dumadagundong Buhat sa pagkasilang Natatanaw mo ba? Ang pinangako na isang daan patungo sa kinabukasan May tinig sa silangan Na kailangang marating Halina't atin nang tunguhin Ito ang ating pagtungo Ito ang ating... (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ito ang ating pagtungo (Ohh, ohh, ohh, ohh) Tanaw na ng lawin Sa kay raming lupain Mga pook na sa iyo'y itinadhana Sa rurok ng bundok Sa agos ng ilog Ang tibay ng iyong loob Ng iyong sandata Bumulyak man ang habagat Dumilim man ang bagyo Hindi mailulubog ang puso Sa iyong pagtungo Sa iyo... (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ito ang ating pagtungo (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ang lahat ng mga lumipas Sa iyong nakaraan Ang lahat ng matututunan sa pagsabak sa daan Ang pagtungo mo sa bukas Ay iyo nang simulan Magpaalam sa kahapon, magtiwala't humakbang Ngayon ang aking pagtungo Ito ang aking... (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ito ang ating pagtungo (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ito ang ating pagtungo... (Ohh, ohh, ohh, ohh) Ito ang ating pagtungo... (Ohh, ohh, ohh, ohh)