Habang tumatagal ay mas inaalam Para sa'n ko to ginagawa no'ng simula pa lang Musika man ang naging bibig na ng isipan ko May mga nagdaang rason pa din para tigilan 'to Alam ko nang dito na 'ko darating no'ng una pa Sa kung papa'no gustuhin 'to kumbaga Kulang na lang sabihan nang, "Mahal kita, papunta na" Mikroponong tumatalon huli na nung sumampa, kulang ba? Pa'no mabuhayan naghanap ng magdududa Kahit 'di na pinupulot 'pag basura na Sumulat ang sagot ko sumaya ng walang pinapatunayan sa iba Kung sa sarili pwede pa kahit agaran Magkaro'n ng ikalawa na pangalan 'Pag sa entablado ay hindi na inasahan Kung nilagay ako dito kapalaran na may kasalanan Naturalang dinala ng hangin sa gustong tapakang Tugatog gamit ang paang pinatid ng marami Naging mapag-isa nung mag-iba ng klase Kada araw na may pasakit sayang kasali May sulatan at tintang sumalamin saking imahe 'Di baleng tawanan kahit abutin ka ng umaga Ito ako buo may perang babangon sa kama Lango sa kakalaro ng bara Iwan mo mang kalbo yung sagada 'di mo 'to kaya mangarap na parang Umpisa't huli palagi paalala sa sarili 'pag wala ng gana Harapin ang bukas kada tutok sa mabahong nakaraan Sarili ang kalabang 'di mo kayang nasasaktan Isipan na kung 'di man kontrolado kalaban 'yan Natuto sa karanasang wala 'ko mapaglagyan 'Di ka na dapat kabahan walang halong drama 'to Binigyang kahulugan ko lang pagbangon sa kama ko Sa dami ng nilampasang araw na dinadaing ay mas naging Kapanapanabik sakin yung panibagong darating Madami mang tila pasyente dyan magmagaling Ay nasa salamin ang templo ng dapat ko sambahin Ako 'yan Ako 'yang nasa salamin Ako 'yan Isa pa Ilang ulit sinubukan ng buhay kung kaya pa Gusto nila 'ko magdrama tinawa ko lang kahit dagdag ngawit sa panga Maging saya ko lang yung galit mo bakasakaling kapayapaan naman yung topic Gusto lang din naman makagawa ng classic Kung saan-saan pa dinala ng awit, tulala sa trapik Dagit Magdalena, Maria Clarang nakatalik Biyaheng langit ba 'tong musikang depende sa paggamit Kakaadik na Kaya huminga Muna sandali Bago mo 'ko tuldukan Gawin mo yung minamani ko lang, sa madaling salita Sulat ng panggulat na pangmulat pa maggulay ka Ganyan maligaw sa gubat Pa-Cavite Sa'min walang libre Katuparan ay binabayaran ng pagsisikap maigi Kung alam mo lang pinagdaanan ko 'Di mo 'ko masisisi Na sa gantong sapatos manatili Hiphop