Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Gandang umaga haring araw, tulala sa kaning bahaw Pang-amoy na nabusog sa lumalapang alingasaw Ng kalye't kairitang, halayang ininit lang Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang Pasok sa paaralan, gano'n pa din pag-uwi Dakilang tagahiwalay ng de kolor sa puti Poso na nagturo sa'king, pa'no humingang malalim Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin Mababad man sa gawaing bahay laging nangunguna 'Pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyo Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo pa Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Taas noo pa ding nakayuko, salop man ay madalas mapuno Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo Parang kada buwan nakikipagbuno tuwing araw ng dalaw laging madugo Gayon pa man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo Napapakapit tuko lahat ng aking kuko, nakabaon ng malalim Para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo Ang dami nating gusto na 'di magawa 'pagkat ayaw nating matukso Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin kapag ka dumating na ang ating sundo Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta Sa dinami-dami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga 'Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Ang dami-dami-daming maiingay do'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo