Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak Nandyan lang sa paligid ayaw pang manga-usap Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak Nag-iwan ng markang palaisipan ng sulat Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog Sa isang iglap silay nakatawid Ang araw at buwan nagkapikunan Kaya may nagliliparang mga plato't platito Sa himpapawid Sino bang bisita ang 'di mag nanais dumalaw Sa bahay kung san basang-basa ng pawis ng araw May mga nakakita't nagkakuliti na sila Mga mata nila'y dilat ngunit pikit pa yung isa Sa likod ng mga bituin rinig ko ang bulungan Mistulang mga bubuyog tayo ang pulo pukyutan Madaming takdang pananong ang natutubuan At pano nga kung sila ang may dala ng kasagutan Mga sina-unang batong magkakapatong Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon At sinakal ng usok na sadyang nakakalason Misteryo parin kung anong nangyari nung kahapon Sumamba sa mga puno hayop at anito Nawala ang panghimagas na hinain ng platito Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok Biglang usbungan ang mga gusaling hugis tatsulok Pano kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto At tayong mga naninirahan ang proyekto Tayo nga ba ay nilagay para pag-aralan O para ihanda lang sa hinaharap na laban Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito Alam ko na sa iba isang kahibahangan ito Maaaring lamang sila sa kagamitan Gamit ang kanilang natatanging agham Marahil tingin nila sa atin langgam Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan Pero wala silang alam sa bagay na meron tayo Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao Ang pag-ibig Ang pag-ibig Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao Ang pag-ibig Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao Ang pag-ibig