Aiza, nang makilala ka
Di ko maipinta
Galak na nadarama
Natataranta, sa tuwing tayo ay magkasama
Kahit san magpunta
Abutin man ng umaga
Nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap kita o'sinta
Lagi mong tatandaan
Na ikaw lang at wala nang iba

Ngunit lahat ay nagbago
Nang may biglang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang
mahulog ang aking mundo sa kanya
Ang aking mundo, biglaang gumuho
Ang aking mundo, sa kanya na iikot
Iikot ka Norma

Norma, nang makilala ka
Parang mas masaya
Kapag ikaw ang kasama
Natataranta, sa tuwing tayo ay magkikita
Kahit san magpunta, abutin man nang tanghali
nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap ka, o'sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba

Ngunit lahat ay nagbago
Nang may bigla nanamang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadya mahulog nanaman ang aking mundo sa iba
Ang aking mundo
Bigla nanamang gumuho
Ang aking mundo, sa kanya naman iikot
Iikot ka Jen

Jen, ikaw na talaga
Kahit san magpunta
Gabi, tanghali, umaga
Wala nang iba
Ikaw lang at wala nang iba
Si aiza, si norma, at si jen
Si aiza, si norma, at si jen
Si aiza, si norma, at si jen
Si aiza, si norma, at si jen