'Di na malilimutan pa
Sa bawat sandaling ako'y iyong hagkan
Ang 'yong mga halik

Sana'y 'wag nang matapos pa
Aking nadarama sa t'wing kapiling ka
Ako'y nasasabik

Sa'yo lamang ilalaan
Ang isang ligayang walang hanggan
Kahit na nagsasalo tayo
Sa isang kasalanan

Bihag tayo ng panahon
At pagkakataong puno ng pangambang
Ika'y mawalay pa

Sana'y 'wag nang matapos pa
Aking nadarama sa t'wing kapiling ka
Ako'y nasasabik

Sa'yo lamang ilalaan
Ang isang ligayang walang hanggan
Kahit na nagsasalo tayo
Sa isang kasalanan

'Di na mahalaga
Ang sasabihin nila
Basta't may pag-ibig
Sa ating dalawa

Sa'yo lamang ilalaan
Ang isang pagsuyong walang hanggan
Kahit na (Kahit na) nagsasama tayo
Sa isang kasalanan
Kasalanan