Magsaya't Pasko'y pasalamatan
Lungkot mo'y iwan
Problema mula ngayo'y kalimutan
Magsaya't Pasko'y pasalamatan
Ligaya'y masdan
Takot mo'y mawawala rin, kaibigan

Narito, tulad din noon (Tulad din noon)
'Di magbabago sa 'yo
Ang lahat ng kaibigan mo
Sa lungko't saya'y sa 'yo

Kailan man, tayo ay magsasama
Kung pagbibigyan
Langit ang saksi ng ating sumpaan
At magsaya, Pasko'y pasalamatan mo
(Magsaya't Pasko'y pasalamatan)
(Magsaya't Pasko'y pasalamatan)

(Narito) Narito, tulad din noon (Tulad din noon)
'Di magbabago sa 'yo
Ang lahat ng kaibigan mo
Sa lungko't saya'y sa 'yo

Kailan man, tayo ay magsasama
Kung pagbibigyan
Langit ang saksi ng ating sumpaan
At magsaya, Pasko'y pasalamatan mo
Magsaya't Pasko'y pasalamatan
(Pasko'y pasalamatan mo)