Anong hiwaga itong naganap
Gabing tahimik, walang ulap
Sanggol sa hamak na sabsaban
Ay siyang Hari ng langit at lupa

Halina, halina at sambahin
Taos-puso natin Siyang mahalin
Halina, halina'tq ating dinggin
Tumatawag ang Batang Banal

At doon sa langit nag-iisa
Bituing sakdal sa ibang tala
Na tila ba'y tinatawag ka
Tingnan mo ang sanggol ni Maria

Halina, halina't ating sundin
Mahiwagang talang nagniningning
Dali na, dali na't ating dalawin
Salubungin ang Batang Banal

Pastol, anghel, at tatlong hari
Sumasamba, bumabati
Ngayon mundo'y may pag-asa na
Ligtas na sa pagdadalamhati

Siya ang ating hinihintay
Pangako ng langit, ngayo'y binigay
Halina, halina't buksan ang puso
Papasukin ang Batang Banal