Unti-unting lumiliwanag
Ang nakikita
'Di mapakali't hiwaga ay nagpakita
Unti-unti nananabik sa paglapit mo
Hindi mapigil ang sabik sa paghakbang mo

Damdamin ko'y nagsusumigaw dalangin ko'y Ikaw

Tayong dalawa langit at lupa naging isa nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa 'tin ay nagkusa may binibiling ang mundo'y para sa 'tin
Unti-unti lumiligaya sa nakikitang 'di masukat na biyaya kong kayakap

Tayong dalawa langit at lupa naging isa nagtagposa gitna
Ihip ng hangin sa 'tin ay nagkusa may binibiling ang mundo'y para sa 'tin
Unti-unti lumiligaya sa nakikitang 'di masukat na biyaya kong kayakap

Tumigil man ang pag ikot ng mundo'y hindi titigil ang

Tayong dalawa
Tayong dalawa