Ilang ulit ng tayo ay nagkalayo
Ngunit para bang pilit tayong pinagtatagpo
Ilang bagyo na ang dumating sa pagsasama natin
Sa muling pagsikat ng araw ay ikaw pa rin ang aking natanaw

Nagiba-iba ang landas nating dalawa
Matagal-tagal tayo rin ang nagkita
Kay labo-labo ng umpisa
Sa dulo'y tayo rin pala
Kay gulo-gulo ng tadhana
Tayong tayo nga bang talaga

Hanggang ngayon tayo pa rin mula pa 'non
Tayo pa rin hanggang sa ngayon
Tayo pa rin nagkatuluyan
Kahit kailan ay ikaw at ako
Tayo pa rin noon at ngayon
Tayo pa rin habang panahon
Sakin' sayo kahit ano pang mangyari
Tayo at tayo pa rin

Sa hinaba-haba ng ating paghihintay, hayyyy
Ay tumatagal lalo pang tumitibay, ahhhh
Tayong-tayo na talaga walang kaduda-duda
Kahit pumuti man ang buhok
Hanggang ang balat ay kumulubot

Hanggang ngyong tayo pa rin mula pa 'non
Tayo pa rin hanggang sa ngayon
Tayo pa rin nagkatuluyan
Kahit kailan ay ikaw at ako
Tayo pa rin noon at ngayon
Tayo pa rin habang panahon
Sakin' sayo kahit ano pang mangyari
Tayo pa rin

Hanggang ngayon tayo pa rin mula pa 'non
Tayo pa rin hanggang sa ngayon
Tayo pa rin nagkatuluyan
Kahit kailan ay ikaw at ako
Tayo pa rin noon at ngayon
Tayo pa rin habang panahon
Tayo pa rin nagkatuluyan
Kahit kailan ay ikaw at ako

Tayo pa rin mula pa 'non
Tayo pa rin hanggang sa ngayon
Tayo pa rin nagkatuluyan
Kahit kailan ay ikaw at ako
Tayo pa rin noon at ngayon
Tayo pa rin habang panahon

Sakin' sayo kahit ano pang mangyari
Tayo at tayo...