Ika nga nila eight years in the making 
Ngunit hindi pa rin matapos-tapos ang taping 
Damdamin ang ating tanging puhunan 
Sa motion picture na ating pinagtatampukan 
Pinagtatampukan 

Minsan muntik makalimutan ang linya 
Ngunit buti andyan ka saglit na usap ay sapat na 
Agad-agad ay sinalo ng galing ng pag-adlib mo 
Muli kong naalala nabitin nating eksena 
Parang hindi nawala 

Dalangin sana ngayon ay hinog na 
Lovestory nating hilaw na nag-umpisa 
Pag nagdilim tagpo na di lumipas 
Sa akin ang kulay ay di kumukupas 

'di mahalaga kung papatok sa takilya 
Istorya nating dalawa 
'di mahalaga bumenta man sa masa 
Istorya nating dalawa 
Istorya nating dalawa 

Dalangin sana ngayon ay hinog na 
Lovestory nating hilaw na nag-umpisa 
Pag nagdilim tagpo na di lumipas 
Sa akin ang kulay ay di kumukupas 

Dalangin sana ngayon ay hinog na 
Lovestory nating hilaw na nag-umpisa 
Ngunit lahat ng ito'y palagay lang 
Sa aking isip ay naglalaro lamang 

Ngunit lahat ng ito'y palagay lang 
Sa aking isip ay naglalaro lamang