Tunay bang ako lang
Ang lagi mong iibigin?
Kung sa'yo'y ibigay
Buong puso't damdamin
'Di ako makararanas
Na lumuha kahit minsan lang

'Di magsasawa, 'di magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo

Sana'y 'di magwakas
Ang pagtitinginan natin
Araw man ay lumipas
'Di natin papansinin
Pagkat walang ibang laman
Ang kapwa nating isipan

'Di magsasawa, 'di magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo

Magkulang man magkaminsan
Talagang kasama 'yan
Sa ating buhay

'Di magsasawa, 'di magbabago
'Di maghahanap ng pag-ibig
Na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo

Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh, ooh-ooh
Laging tapat at laging totoo