Batid ko na Sa 'yong mga mata Ang taglamig Init ay nawaglit Marahil nga Dito magwawakas Ang mga taong Nilaan para sa yo 'Di malaman ang dahilan kung bakit tayo Humantong sa dulo ng ating pagsuyo Ang pait ay 'di maiwawaglit Kahit sa isang saglit Puso'y tila manhid Tanggap ko ba Kung mag-isa? Di' ko mapigil na Ang mga luha na Bumabaha Wala na bang Magkakapagsalba Sa ating dalawa? Tanggap ko ba? Alam ko na Kung 'di na kaya Ang magtiis At maghinagpis Dahil sa yo Ako'y natutong Maghintay Manhirin ang lumbay Kay tagal din ng pinagsamahan natin Pinilit na unawaain ang loobin Ngunit kahit na anong gawin Hindi na magtugma ating damdamin Tanggap ko ba Kung mag-isa? Di' ko mapigil na Ang mga luha na Bumabaha Wala na bang Magkakapagsalba Sa ating dalawa? Sana'y panaginip lamang Pagmagmulat ay nandyan ka pa Ngunit ang katotohanan Ay aking pilit tatanggapin Dahil di ka para sa 'kin Tanggap ko na Ang mag-isa Dahil pumawi na Ang mga luha na Bumabaha Wala na ngang Magkakapagsalba Sa ating dalawa... Tanggap ko na Tanggap mo ba? Tanggap ko na