Sino sa atin ang dapat sisihin Sino sa atin ang dapat ibitin nang patiwarik Dahil ang kasagutan ay 'di makikita sa iba At ang pananagutan kung minsa'y sa bida Halika titigan natin ang salamin Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin At ang mga katanungan ay ating sagutin At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo Kung sino ang tunay na salarin O sino ba ang salarin Kung bakit ang higaan mo'y walang sapin Mga pingga'y walang laman at hardin mo'y walang tanim Sinong dapat sisihin, sampalin at sakalin Kung bakit sa dapat na patutunguhan mo ay 'di ka makarating Sa tuwing maiisipan mo kung bakit ka nasa dilim Kung bakit palaging ang pakiramdam mo'y nahuhulog ka sa bangin At sa tuwing walang sino man ang nand'yan para pakinggan ang iyong daing 'Wag mo sanang masamain Subukan mong ang pananaw mo ay baliktarin Bakit 'di mo tanungin ang iyong sarili sa harap ng salamin Para maintindihan mo nang mabuti yung ayaw mong intindihin Isa kang halimbawa ng taong walang kapintasan at laging napakagaling Ikaw ba ang biktima o ang s'yang dapat ibigti na salarin Takot ka bang tanggapin at ayaw mong harapin na ikaw ay mali Bakit hindi ituwid mga katwiran mo bago pa mahuli aking kapatid Kailan mo ba mababatid sa iyong sarili ikaw din mismo ang sisira 'Di mo ba nakikita kahit walang ilaw ay napakalinaw ikaw ang halimaw sa... Salamin Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin At ang mga katanungan ay ating sagutin At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo Kung sino ang... Marami ang tama, maraming mali Mga ayaw mong makita ang s'yang kinukubli Sino ang tama, sinong mali Tandaan na ang buhay natin dito sa lupa tayo'y mistulang binhi Suklay ng buhok, pulbos sa mukha Madami ang bagay na 'di halata 'Pag iba ang tumingin hindi naman malubha Pero sa ating sarili, hindi makakaila Tulala sa harap ng salamin at aking tinitigan ng maigi Kahit na walang imik ang repleksyon kung may lamat ang hinarap na tila ba napipi Sa sala sinimulan na mawili, aking inuusisa sa sarili Kung ano bang tunay na ibig sabihin talaga ng "Huli na para magsisi" Ano daw andidito ka ba, o ang hanap lang ay masisisi mo aba Kita mo ba na may muta ka at puwing kung hindi mo pansin ay may piring ka sa mata Hoy, gising na kaya baka 'di ka makatawa Sino kaya ang sasabihan mong tanga 'Pag nalaman mo na ang iyong mga pagkadapa'y pagkatisod lang sa sarili mong paa Asahan na dapat lagi kang handa sa karma ng bawat maling nagawa Mga basurang tinapon mo no'n ay inagos ngayon pabalik ng bangka Mapait, mapakla, 'to ang sadyang lasa ng katotohanan Minsan ang sariling 'kala mong kakampi madalas ang tunay na kalaban Harapin ang pananagutan ano man ang dulot sa'kin sa'yo Kahit na makalusot din ako sa mga gusot mong sinalo Kaya naman lungkot ang tinamo 'Pagkat ang baluktot hindi talo Sapagkat sa mundo sa erang 'to dapat lang na buntot mo hila mo Mali ng iba ay 'wag mong tignan Hindi mo dapat ituring na katatawanan Lahat ng kaya ay matatapatan Pagdating sa huli lahat tayo ay papalitan