Oh
Oh
Oh

Ang nakaraan
Parang gusto kong balikan
Sana'y maulit muli ang ligaya
At 'di na lungkot ang madama

Ang nakaraan
Gustong gusto ko nang balikan
Gusto kong ulitin ating pagsasama
Kung sa'n tayo'y laging masaya

(Oh) gusto kong ulitin
Gusto kong balikan 'yung
Nakaraan na dati tayong nagsasalo
Nagtatawana't masaya, puro lamang ngiti
Walang pighating dinadala sa 'ting labi

Ngunit nagulat ako buhat nung iwan mo
Ano pagkukulang ba't luha ang binalik mo
Hanggang ngayon 'di tanggap
Mga luha'y pumapatak
Parang gusto kong ulitin at 'di balikan

Ang nakaraan
Parang gusto kong balikan
Sana'y maulit muli ang ligaya
At 'di na lungkot ang madama

Ang nakaraan
Gustong gusto ko nang balikan
Gusto kong ulitin ating pagsasama
Kung sa'n tayo'y laging masaya

(Oh) baka pwede naman na
Bumalik sa panahon na tayo pa ay masaya
Kalimutan na lang natin kung ano man ang mga nakasama
Kasi nga miski sa 'king isip nakatambay
'Yung mga alaala maligaya magkasama
Kahit ano pagdaanan tayo ang magkakaramay

At hindi pinapansin ano man ang problemang dumarating
Laging tinatawanan lang, ating hinahayaan na lumagpas sa 'tin
Ating mga gintong baon mula sa kahapon
Ayokong itapon, gusto kong bumangon
Sa pagkakadapa na tayo ang magkasama
Sana'y pagkalooban muli ng pagkakataon

Nakaraan
Parang gusto kong balikan
Sana'y maulit muli ang ligaya
At 'di na lungkot ang nadama

Ang nakaraan
Gustong gusto ko nang balikan
Gusto kong ulitin ating pagsasama
Kung sa'n tayo'y laging masaya

(Parang gusto kong balikan)
(Sana'y maulit muli ang ligaya)
(At 'di na lungkot ang nadama)

Nakaraan
Parang gusto kong balikan
Sana'y maulit muli ang ligaya
At 'di na lungkot ang madama

Ang nakaraan
Gustong gusto ko nang balikan
Gusto kong ulitin ating pagsasama
Kung sa'n tayo'y laging masaya

Ang nakaraan
Parang gusto kong balikan
Gusto kong ulitin ating pagsasama
At 'di na lungkot ang madama