Kung ako'y tunay mong minamahal
Bakit pa kailangang maglihim ka
Natuklasan kong may kasuyo kang iba
'Di yata't nagtataksil ka nga

Sinungaling ang iyong pag-ibig
Sayang nga't ako'y nagtiwala agad sa 'yo
Sinungaling ang 'yong pag-ibig
Bakit pa kaya ako natutong magmahal
Bakit kaya?

'Di ko na kaya pang limutin ka
Bagama't ika'y nagsinungaling
Ngunit 'di tapat ang iyong pagmamahal
Kailangang magwakas na ang lahat

Sinungaling ang iyong pag-ibig
Sayang nga't ako'y nagtiwala agad sa 'yo
Sinungaling ang 'yong pag-ibig
Bakit pa kaya ako natutong magmahal
Bakit kaya?
Sinungaling ang 'yong pag-ibig
Sayang nga't ako'y nagtiwala agad sa 'yo
Sinungaling ang iyong pag-ibig
Bakit pa kaya ako natutong magmahal

Sinungaling ang iyong pag-ibig