Bakit ba may pangamba ngayon ang puso ko?
Dahil ba sa nakitang bagong kasuyo mo
Wari mo'y kayo lamang ang tao sa mundo
Napansin ang luha ng pagdaramdam sa 'yo

Mahal mo ba siya at lagi mong kasama?
Huwag mong sabihing tunay ang nakita
'Sang kay sama na panaginip lamang
Lahat ng aking nasaksihan
Mahal mo ba siya at lagi mong kasama?
Nakitang kayakap at anong ligaya
Mahal mo ba siya, ba't 'di mo pa sabihin?
Mahal mo ba siya, o, giliw?

Hindi ba sapat sa 'yo ang pag-ibig ko sinta?
Kailangan ikaw ngayo'y humanap ng iba
'Di kaya natukso ka sa taglay niyang ganda
Ako rin ang iyong mahal, hindi nag-iiba

Mahal mo ba siya at lagi mong kasama?
Huwag mong sabihing tunay ang nakita
'Sang kay sama na panaginip lamang
Lahat ng aking nasaksihan
Mahal mo ba siya at lagi mong kasama?
Nakitang kayakap at anong ligaya
Mahal mo ba siya, ba't 'di mo pa sabihin?
Mahal mo ba siya, o, giliw?