Lalaking disente
Huwag mo akong sisihin
Kung habulin kita ng tingin
At bango mo'y pilit kong langhapin
Lalaking disente

Lalaking disente
Hindi ko mailihim
Ang damdamin sa aking dibdib
Na nagsasabing kita'y mahalin
Lalaking disente

Mula nang kita'y mamasdan
Hindi na maidlip sa buong magdamag
Laman ng isip ko'y ikaw
Sa tuwina'y sabik kang mahagkan

Lalaking disente
Huwag mo akong sisihin
Kung habulin kita ng tingin
At bango mo'y pilit kong langhapin
Lalaking disente

Mula nang kita'y mamasdan
Hindi na maidlip sa buong magdamag
Laman ng isip ko'y ikaw
Sa tuwina'y sabik kang mahagkan

Lalaking disente
Hindi ko mailihim
Ang damdamin sa aking dibdib
Na nagsasabing kita'y mahalin
Lalaking disente

Lalaking disente, oh