Ang buhay, tulad ng isang awit lamang
Mayro'ng simula at may katapusan
Ang araw at gabi lumulungkot, hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalatkayo sa katotohanan
Ano man ang aking maging kapalaran
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam

Ang araw at gabi lumulungkot, hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalatkayo sa katotohanan
Ano man ang aking maging kapalaran
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam