Muli akong nagbabalik sa 'yong piling
Umaasang ako'y iyong patatawarin
Inaamin ko na ako sa 'yo'y nagkamali
Sumusumpa akong itoy 'di mauulit

Baka sakali lang, ako'y unawain
Baka sakali lang muli'y iyong tanggapin
Sa 'king pagbabalik, nawa'y makamit ko
Muli ang pag-ibig mo, sakali lang

Nagkulang man ako sa 'ting pag-ibig
Ika'y hindi mawawaglit sa aking isip
Ngayo'y aking nadarama, kay hirap nang mag-isa
Sumasamo ako, kailangan pa rin kita

Baka sakali lang, ako'y unawain
Baka sakali lang muli'y iyong tanggapin
Sa 'king pagbabalik, nawa'y makamit ko
Muli ang pag-ibig mo, sakali lang
Baka sakali lang, ako'y unawain
Baka sakali lang muli'y iyong tanggapin
Sa 'king pagbabalik, nawa'y makamit ko
Muli ang pag-ibig mo, sakali lang

Baka sakali lang, ako'y unawain
Baka sakali lang muli'y iyong tanggapin