Kamusta ba'y ligaya Sa unang pagkikita? Bakit nga ba ang puso Pilitin mang pigila'y, ayaw mapag-isa? Walang hanggang pangarap Ang s'yang nakakatulad sa pagsapit ng bukas Ligaya nga kaya'y wala na ngang wakas Kamusta ba'y pangako Kapag mayro'ng pagsuyo? Kapag nararahuyo, maging kahit ano'y ipipintig ng puso Lunod sa alaala Ganyan nga ba sa t'wina? Gabi hanggang umaga Pangako nga kaya'y hindi mag-iiba Kamusta ba'y pangako Oh-oh, oh Walang hanggang pangarap Ang s'yang nakakatulad Sa pagsapit ng bukas Ligaya nga kaya'y, wala na ngang wakas? Kamusta ba'y paalam Kung 'di maunawaan? Tanong ng bawat puso Sinong dapat itangi, hanggang kailan pa man At kung sadyang sumapit Na 'di ka n'ya ang langit Ligaya na iniwan Pangako ng kahapon Ngayo'y isang paalam Kamusta ba'y paalam Sa 'yo aking mahal?