Ok lang kung tuyo na ang buhok Tulog ka na kapag inaantok Ok lang kung tuyo na ang batok Punas pawis para di amoy putok Ok lang kung tuyo na ang mata Tapos na yatang umiyak di ba? Ok lang kung tuyo na ang paa Di ka na magkakaalipunga Pero ano kung tuyo na ang dugo Kahit tiyan may di na kukulo Ano kung tuyo na ang puso Baka maglaho ang pagsuyo Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Ok lang kung tuyo na ang laway Magmumog ka muna bago magsuklay Ok lang kung tuyo ng sinampay May masusuot ka na mamaya sa lamay Ok lang kung tuyo na ang sulat Ang tinta e di na babakat Ok lang kung tuyo na ang sugat Wag ka lang magkakapeklat Pero ano kung tuyo na ang gripo Pa'no magsesepilyo sa lababo? Ano kung tuyo na ang poso Sa'n maglalaba ng bra ang lola mo? Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Ok lang kung tuyo na ang ubas May pulutan na tayong pasas Ok lang kung tuyo na ang gatas May palamang keso bukas Ok lang kung tuyo na ang baka May kakainin na tayong tapa Ok lang kung tuyo na ang buwaya May pabrika ng sinturon at bota Pero ano kung tuyo na ang balon Aasa ka na lang ba sa ambon Ano kung tuyo na ang talon Di na mag-eenjoy sa bakasyon Ano kung tuyo na ang sapa Mamamatay mga butete't palaka Ano kung tuyo na ang lawa Luluwa ang mga mata ng mga isda Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Dehins ok! Ok lang kung tuyo ang semento Bawal ju-mingle sa pader na ito Ok lang kung tuyo na ang espalto Wala na ang swimming pool sa kanto Ok lang kung tuyo na ang kable Di ka na uli makukuryente Ok lang kung tuyo ang kalye Walang baha trapik na lang ang dyahe Pero ano kung tuyo na ang gubat Magugutom tayo nang nakahubad Ano kung tuyo na ang dagat Sa ibang planeta lumipat Ok na ok Ok na ok Ok na ok Ok na ok Ok na ok Ok na ok Ok na ok Ok na ok