Kung sa isang iglap, makalimutan ng Diyos Na ako ay isang manikang basahan At kanyang pagkalooban ng kapirasong buhay Hindi ko sasabihin, lahat ng iniisip Sa halip ay iisipin, lahat ng sasabihin Itatangi ko ang bawat bagay bagay Hindi dahil lamang sa kahalagahan nito Kundi sa kung ano ang kahulugang totoo Ako'y matutulog nang kaunti at mas mananaginip Mauunawaan na sa bawat minutong pagpikit Nawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag Liwanag Liwanag Liwanag Maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang Mananatiling gising kung ang iba ay maidlip Makikinig ako kung may magsasalita Kung ako ay may puso, isusulat ko ang poot sa yelo At maghihintay sa pagsikat ng araw Ang aking luha ang didilig sa rosas Sa kanyang imik dadamhin ko ang kirot At ang pulang halik ng kanyang talulot Ipababatid sa lahat ng minamahal Na minamahal ko silang lahat Mabubuhay ako nang nagmamahal sa pag-ibig Pag-ibig Pag-ibig Pag-ibig Marami akong natutunan mula sa mga nilalang Ngunit ang katotohanan, wala itong pakinabang Kahit pa ingatan ko, sa loob ng maletang ito Malungkot ko pa ring lilisanin ang mundo